^

Police Metro

Baseco shootout: 3 patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi sa naganap na barilan sa Baseco Compound, Port Area, Maynila ang tatlong katao kabilang ang isang barangay tanod nang lumusob ang mga tauhan ng Manila Po­lice District (MPD) para magsagawa ng anti-cri­minality campaign sa lugar kama­kalawa ng hapon.

Namatay noon din ang isang hindi pa nakilalang suspek na inilarawan sa edad na 25 hanggang 30, may taas na 5’4”, may tribal tatoo sa katawan; habang namatay din ang isang alyas Rex, 35, nang mang-agaw ng baril sa escort na pulis habang patungo sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Batay sa impormasyon na si Rex ay suspek sa pa­mamaslang sa dating mi­yembro ng MPD-station 5, na si PO1 Edcel Ayon noong Enero 31, 2012 sa Block 1, Aplaya, Barangay 649. Namatay naman sa ospital ang barangay tanod na si  Jody Roncales na nabaril ng mga suspek .

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng anti-crimina­lity campaign sina Insp. Melchor Villar, kasama ang ilang mga tauhan niya at mga barangay tanod  sa  Block 9 Extension, Baseco, Port Area, Maynila nang salubungin ng putok ng mga suspek at nabaril si Roncales kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang dalawang suspek.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

EDCEL AYON

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JODY RONCALES

MANILA PO

MAYNILA

MELCHOR VILLAR

NAMATAY

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with