^

Police Metro

Nanay, 2 anak piñata, bahay pinasok…

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang ina at dalawa nitong anak na paslit habang kritikal naman ang isa pang 2-anyos na batang babae nang pasukin ang kanilang bahay ng hindi pa nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tayasan, Negros Oriental.

Nasawi  noon din ang mag-iinang sina Mercy Esteban Islao, nasa hustong gulang; mga anak nitong sina Larabelle, 5; at Wilfred, 6.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kritikal naman at patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang isa pang anak  na si Annabelle, 2-anyos na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan.

Batay sa ulat ng Neg­ros Oriental Police, bandang alas-10:00 ng gabi nang maganap ang brutal na pagpatay sa mag-iina sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Sitio Kalantaban, Tayasan ng lalawigan nang pasukin ng hindi pa nakilalang suspek na nagkataong wala ang padre de pamil­ya.

Nadiskubre lamang ang krimen, kahapon ng madaling-araw matapos na umuwi ang mister at  nadatnang naliligo sa dugo at wala ng buhay ang kaniyang mag-iina.

vuukle comment

ANNABELLE

BATAY

KRITIKAL

LARABELLE

MERCY ESTEBAN ISLAO

NEGROS ORIENTAL

ORIENTAL POLICE

SITIO KALANTABAN

TAYASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with