^

Police Metro

4 dedo sa sunog

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang apat na ka­tao sa naganap na mag­kahiwalay na sunog sa Mandaluyong City at Quezon City kamakalawa ng hapon at kahapon ng madaling-araw.

Unang naganap ang sunog sa Gen. Lim St., Barangay Sta. Cruz, Quezon City na nagsimula ng alas-3:30 ng hapon na ikinasawi ng isang alyas Eduardo, tinatayang nasa 50-taong gulang.

Natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima sa ikatlong palapag na townhouse na sinasabing na-trap o hindi nakalabas sa kanyang ku­warto.

Sa Mandaluyong City ay isa namang boar­ding house sa Ilaya St., ang tinupok ng apoy kahapon ng madaling araw kung saan ay nasawi ang mga biktimang sina Ryan Lopez, 27, Dandy Gozarin, 28, na kapwa accountant at Wendell Cabanglan, 23, na isang IT specialist.

Nakaligtas naman ang lima pang boarder na kasamahan ng mga biktima sa mahigit sa kalahating oras na sunog.

Sinabi ni Rene De Dios, isa sa mga nakaligtas sa sunog, dakong ala-1:27 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy habang tulog na sila sa boarding house na matatagpuan sa Lions Road, Barangay Ba­rangka, Ilaya, Mandaluyong City.

Ani De Dios, malaki na ang apoy nang kanyang makita at nagmula sa isang kuwarto ng boarding house at agad siyang su­migaw para maipaalam sa ibang kasamahan.

Minalas namang hindi na nakalabas ang tatlong nasawi na nasa banyo at nasa likurang bahagi na ng boarding house nang makita ang kanilang mga katawan.

Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga arson investigators ang sanhi ng nasabing sunog.

Samantala may kabuuan namang 60 pamilya ang nawalan ng tahanan  ng masunog ang may 25 kabahayan sa may Lilaw Street Sitio Orlina Barangay Greater Fairview Quezon City kahapon ng alas 7:52 ng umaga.

Ayon kay Arson investigator Senior Fire Officer 2  Renato Gallego ng QC Fire Department, nagmula ang apoy sa ikalawang palapag na bahay ng isang Gilda Encoy sa 113 Lilac Street na mabilis na ku­­malat sa mga karatig bahay nito.

vuukle comment

ANI DE DIOS

BARANGAY BA

BARANGAY STA

DANDY GOZARIN

FIRE DEPARTMENT

GILDA ENCOY

MANDALUYONG CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with