^

Police Metro

Brodkaster itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng da­la­wang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang radio brodkaster sa harapan ng isang gasoline station kahapon ng umaga sa natio­nal highway ng Ka­basalan, Zamboanga Sibugay.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa  Kabasalan Hospital dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa dibdib ay  kinilalang si Mario Baylosis, 33.

 Ang biktima ay announcer ng Radio Natin na nakabase sa nasabing lalawigan at residente ng Brgy. Goodyear, Kabasalan ng lalawigan ito.

Batay sa ulat, bandang alas-11:25 ng tanghali ay papauwi na ang biktima  galing sa kanyang progra­ma at sakay ng kulay pu­lang Baja motorcycle (4890) nang ito ay sundan ng mga suspek na magkaangkas sa  kulay asul na XRM motorcycle na walang plaka.

Pagdating sa harapan ng Phoenix Gasoline Station sa nasabing lugar ay agad itong pinagbabaril ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos bumagsak sa motorsiklo ang duguang biktima.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa krimen.

vuukle comment

BATAY

BRGY

KABASALAN

KABASALAN HOSPITAL

MARIO BAYLOSIS

NAREKOBER

PHOENIX GASOLINE STATION

RADIO NATIN

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with