^

Police Metro

Container van bumangga sa bakod: 2 dedo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa namatay noon din ang dalawang biktima na nakilalang sina Dandy Manzo, 21 at Onesto Intong, 22 habang nasugatan ang tatlo nilang kasama na sina Jose Gallo, 32, may-asawa, driver; Mark In­tong, 20 at Rico Gallo, 21 pawang taga- Tondo Manila matapos na sumalpok ang sinasak­yan nilang container van sa konkretong bakod at poste sa kahabaan ng Go­vernor’s Drive, Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Sa imbestigasyon, ganap na alas-3:00 ng madaling-araw ay sakay ang mga bik­­tima sa Isuzu Tractor (UVA-676) na minamaneho ni Gallo at may hilang container van (PUX-554) na pag-aari ng Wellcargo Customs Brokerage Inc. at binabagtas ang lugar patu­ngong Biñan, Laguna.

Nang mapadaan sa zigzag road ay hindi nakayanan ng truck dahil na rin sa may kabigatan ang hila nitong kargamento dahilan para sumabog ang airbreak kaya’t nawalan ng kontrol ang truck at sumalpok sa bakod ng TransOrient Enterprises at sumalpok din sa poste ng Meralco.

Nayupi at nawasak ang truck dahilan upang maipit ang limang biktima na ikinasawi noon din ng dalawang katao.

vuukle comment

DANDY MANZO

ISUZU TRACTOR

JOSE GALLO

MARK IN

ONESTO INTONG

RICO GALLO

TONDO MANILA

WELLCARGO CUSTOMS BROKERAGE INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with