^

Police Metro

Konsehala itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Agad na nasawi ang isang babaeng Brgy. Coun­­cilor habang sugatan naman ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong suspek sa  Bayugan City, Agusan  del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Jenny Agipo, 44, konsehala sa Brgy. Berseba ng lungsod.

Isinugod naman sa Bayugan Medical Center  para malapatan ng lunas ang sugatang si Pio Lamit Jr, aktibong miyembro ng CAFGU sa lugar.

Sa imbestigasyon, si­na­bi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, naganap ang insidente sa loob ng tahanan ni Agipo sa nabanggit na barangay bandang alas-6:30 ng gabi.

Ayon kay Gamba, big­la na lamang umanong pu­masok sa pintuan ng ta­hanan ni Agipo ang tat­long mga armadong sus­pek at pinagbabaril ang mga biktima.

Matapos mapuruhan ang target ay mabilis na nag­sitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

vuukle comment

AGIPO

BAYUGAN CITY

BAYUGAN MEDICAL CENTER

BRGY

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

JENNY AGIPO

MARTIN GAMBA

PIO LAMIT JR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with