^

Police Metro

Bata ng pulis pinaslang

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril ng hindi pa kilalang salarin ang isang lalaki na sinasabing bata o asset umano ng “anti-drug unit” ng Caloocan City Police sa loob ng pinuntahan nitong bahay sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Ronnie Haw, alyas Intsik, 40-anyos, electrician, at residente ng D. Aquino St., naturang lungsod. Ang biktima umano ay asset ng Caloocan City Police-Station Anti Illegal Drugs Special Action Unit.

Batay sa ulat, nagtungo si Haw at isang Pinky Ispuarra, isa ring asset ng pulisya, sa bahay ng isang alyas Boy sa Heroes Del 96 sa naturang lungsod.

Pagdating ng biktima at ni Pinky ay wala doon si Boy at isang hindi pa kilalang lalaki ang nagpapasok sa kanila sa loob ng bahay.

Iniwan sandali nito ang dalawa at nang muling bumalik ay armado na ng baril at pinaputukan si Haw habang hindi naman ginalaw si Ispuarra.

Agad namang iniulat ni Ispuarra ang krimen ngunit tumanggi itong kilalanin ang suspek.  

Hinihinala ng pulisya na may kaugnayan sa transaksyon sa iligal na droga ang motibo ng pagpatay sa biktima.

 

vuukle comment

AQUINO ST.

BATAY

BINARIL

CALOOCAN CITY POLICE

DRUGS SPECIAL ACTION UNIT

HEROES DEL

HINIHINALA

ISPUARRA

PINKY ISPUARRA

RONNIE HAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with