^

Police Metro

Tulay sinunog muna bago pinasabog

Randy Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang tulay ang sinu­nog muna bago pinasabog ng mga hindi pa nakikila­lang mga suspek kamakalawa sa  Brgy. Taltal, Masinloc, Zambales.

Sa ulat na natanggap ni Masinloc Chief Police P/Chief Inspector Pancho Doble, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente nang pagsunog at pagpa­pasabog sa tulay ng kilometer 13 ng Masinloc-Coto Road.

Nakuha ng mga otoridad ang mga pira-piraso ng nasunog na mga electrical wires na marahil ay nagsilbing trigger device sa mga explosives na ginamit.

Ang naturang provincial highway ang siya uma­nong nag-uugnay sa bayan ng Masinloc at nang Coto Mines kung saan bantog sa pagmimina ng first class na chromite.

Ang nasabi ring lugar ang umano’y madalas na enkuwentro ng mga otori­dad, military at New People’s Army.

Wala naman umanong naiulat na namatay o nasugatan sa naturang insidente at sa kasalukuyan ay wala nang makatawid at paralisa­do ngayon ang maraming ma­mamayang nakatira doon.

 

 

vuukle comment

BRGY

CHIEF INSPECTOR PANCHO DOBLE

COTO MINES

MASINLOC

MASINLOC CHIEF POLICE P

MASINLOC-COTO ROAD

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with