^

Police Metro

Dalaga utas sa ‘killer highway’

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ng isang 26-anyos na dalaga matapos na mabundol ito ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa tinaguriang “killer highway” na Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang nasawi ay nakila­lang si Maybelin Poliarco, residente sa no. 7 Pag-ibig, Brgy. Commonwealth sa lungsod at kawani ng R-Jell General Services Company at bread winner sa kanyang pamilya. 

Ang suspek na sumuko sa pulisya ay nakilalang si Jeremy Lagua, 20, binata ng Bagong Silang, driver ng jeep (PBG-529).

Batay sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi ay tumawid ang biktima sa nasabing kalye malapit sa Don Fabian St., at hindi nito nakita ang mabilis na sasakyan ng suspek na dumarating at nasalpok ito.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon ng ilang metro ang biktima na una ang ulo na bumagsak sa kalye at isinugod ng ilang nagmalasakit na residente sa Malvar Hospital, subalit idineklara ring dead-on-arrival.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BATAY

COMMONWEALTH AVENUE

DON FABIAN ST.

JEREMY LAGUA

MALVAR HOSPITAL

MAYBELIN POLIARCO

QUEZON CITY

R-JELL GENERAL SERVICES COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with