^

Police Metro

Tampakan inisyuhan ng ECC ng DENR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ang Department of Environment and Natural Resources(DENR) ng  Environmental Com­pliance certificate (ECC) para sa $5.9-billion Tampa­kan copper-gold project ng Sagittarius Mining Inc. (SMI) sa Southern Mindanao.

Ayon naman kay DENR Secretary Ramon J.P. Paje ang naipagkaloob na ECC sa SMI ay may kaakibat ng mga kundisyon at kapag nabigo ang kumpanya na sundin ang mga kundisyon ay mapipilitan sila na kanselahin ang naipagkaloob na permit sa naturang kumpanya.

Kaya naman ay lubos na pinuri ni Kiblawan, Davao del Sur Mayor Marivic Diamante ang  “political will” ni Paje na ginawa lamang ang trabaho nito sa pagtasa sa mga merito kaugnay sa aplikasyon sa ECC ng proyekto.

Sa bayan ng Kiblawan itatayo ang malalaking pasilidad sa Tampakan project tulad ng fresh water dam, tailings storage facility, concentrator, at ang pabahay sa tinatayang 2,000 manggagawa na inaasahang magdudulot ng kita partikular sa buwis para sa segunda klaseng munisipalidad.

Ayon kay Diamante, sa kautusan ng Malakanyang at mga pahayag mula sa kagawaran ng pamahalaang lokal at katarungan, naiwasto ng gobyernong nasyonal ang malaking pagkakamali kaugnay sa ECC issue ng Tampakan project.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENTAL COM

KIBLAWAN

PAJE

SAGITTARIUS MINING INC

SECRETARY RAMON J

SOUTHERN MINDANAO

SUR MAYOR MARIVIC DIAMANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with