^

Police Metro

Checker binaril, dedo

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang checker matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek  habang papunta sa kanyang trabaho kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si John Neil Latido, 41-anyos at residente ng Tulingan St., Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek at nagsasagawa pa ng follow-up laban dito.

Ayon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi, malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Habang  naglalakad  ang biktima patungo ng trabaho nang sumulpot ang suspek  at pagbabarilin si Latido.

Kahit may tama ay nagawang makabalik ng bahay ang biktima at nang malaman ng anak na lalaki ay hinabol ang suspek  hanggang sa magpambuno ang dalawa.

Dahil mas malakas ang suspek  ay nagawang makawala at tuluyang nakatakas habang dinala naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital pero hindi na rin ito umabot ng buhay.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAGAT-DAGATAN

DAHIL

HABANG

JOHN NEIL LATIDO

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

STATION INVESTIGATION DIVISION

TULINGAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with