^

Police Metro

2 Pulis huli sa rape at kotong

Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Huli ang dalawang kagawad ng Philippine National Police (PNP) makaraang ireklamo ng panggagahasa at pangongotong ng isang babae sa Pasay City kahapon ng umaga.

Sinabi ni Supt. Joel Villanueva, deputy chief ng Pasay Police, sinampahan na ng kasong robbery extortion sa Pasay Prose­cutors Office ang mga suspek na sina PO1 Jonathan Castro at PO1 Marvin Panaga, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 10 ng Pasay police.  Sinampahan rin ng kasong panggagahasa si Castro.

Inireklamo ang mga suspek ng biktimang itinago sa pangalang “Mercy”, 22-anyos, ng NHA Housing, Merville Access Road, Brgy. 201 Zone 20, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay Criminal Investigation Division, unang dinampot ng dalawang pulis si Raymond Ladera, live-in partner ng biktima, dahil sa pag-ihi sa pader at inakusahan pa ng pagdadala ng iligal na droga kamakalawa ng gabi. Ikinulong si Ladera sa PCP 10.

Agad na pinuntahan naman ni Mercy ang kinakasama sa istasyon at nakitang nakakulong ang lalaki. Dito umano siya nilapitan ng naturang mga pulis at hiningan ng halagang P200,000 para hindi sampahan ng kaso ang kinakasama at agad na mapalaya. Nagkaroon ng tawaran hanggang sa maibaba ito sa P40,000.

Umabot lamang sa P15,000 ang nakalap na pera ni Mercy at saka bumalik ng PCP. Isinama umano siya ni PO1 Castro sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa harap ng istasyon. Dito pinilit umano ng pulis na hubarin ang kanyang panty at bra at saka siya sinimulang paghihipuan.

Nang pilit na ipapasok na ang ari sa kanya, nagawa umano niya na maitulak ito kaya nagkasya na lamang ang suspek na magparaos sa pamamagitan ng kamay habang hinahawakan ang kanyang kaselanan.

Nang makaraos, kinuha umano ng pulis ang pera niyang P15,000 at saka bumalik sa loob ng istasyon at pinalaya ang kanyang ka-live-in.

Lumapit naman ang mag-live-in sa GMA 7 na siyang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kaha­pon ng umaga sa dalawang suspek.

 

vuukle comment

DITO

JOEL VILLANUEVA

JONATHAN CASTRO

MARVIN PANAGA

MERVILLE ACCESS ROAD

NANG

PASAY CITY

PASAY CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

PASAY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with