^

Police Metro

Nakapatay ng 5 kataotumba sa shootout

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na “most wanted criminal” dahil sa kasong pagpatay sa li­mang katao kabilang ang isang pulis ang nasawi nang makipagbarilan sa mga otoridad kamakalawa sa Pasay City.

Ang napatay na sus­pek ay nakilalang si Belo Tubat, alyas “Jr. Asin” na bumaril at nakapatay kay PO3 Joey Salazar at apat na iba pa may ilang taon na ang nakakalipas at hinihinala din na mi­yembro ng gun for hire at drug pusher ang suspek.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang shootout da­kong alas-11:00 ng gabi sa P. Celle St., ay naka­tang­gap ng sumbong  ang tanggapan ng Warrant Sec­tion ng Pasay City Po­lice na ang akusado ay nama­taan sa nabanggit na lugar.

Nagresponde ang mga pulis upang ihain ang warrant of arrest, subalit nang mamataan ng suspek ang paparating na mga otoridad ay agad itong bumunot ng baril at pina­putukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tina­maan si Tubat na dahi­lan ng agaran nitong kama­tayan.

 

vuukle comment

BATAY

BELO TUBAT

CELLE ST.

JOEY SALAZAR

JR. ASIN

PASAY CITY

PASAY CITY PO

SHY

WARRANT SEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with