^

Police Metro

Paalam Nicole!

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbitiw ng mabigat na kataga ang ina ni Stephanie Nicole Ella na si Ellaine na hindi nila mapapatawad ang nagpaputok ng baril noong Bagong Taon na ang bala ay tumama at pumatay sa kanilang anak.

Kahapon ng alas-10:00 ng umaga nang dalhin ang labi ni Nicole sa Sanctuario de Paz, Norzagaray sa Bulacan at dito ay maraming mga nakipaglibing tulad ng mga kapitbahay, guro at mga kaiskwela ni Nicole na  nakasuot ng kulay pink na t-shirt at may dala silang mga lobo na kulay pink din.

Naging emosyonal din ang ama ni Nicole na si Jay; lolo nitong si  Aquilino at tiyuhing si Marvin.

Dito ay may halong pagsisisi si Mar­vin dahil hindi man lamang aniya na­protektahan ang kanyang pamangkin.

“Katabi ko siya nang nabaril siya, wala po akong nagawa,” ang paghihinag­pis ni Marvin. 

Sa huling lamay ginunita ng mga kaanak ang kanilang masasayang ala­ala na kasama nila ang biktima nang nabu­buhay pa ito.

Ayon sa pamilya itutuloy nila ang laban ni Nicole at hindi nila ito tatantanan hangga’t hindi ito nadadakip.

 

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BULACAN

DITO

ELLAINE

KAHAPON

KATABI

MARVIN

STEPHANIE NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with