^

Police Metro

3 sasakyan nagsalpukan: 5 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Namatay noon din ang isang sanggol at apat na iba pa  habang 15 ang nasu­gatan nang magsalpukan ang tatlong sasakyan kamakalawa sa KM 20, Los Amigos, Tugbok District, Davao City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jane Sahadain, 1 buwang gulang; Rajed Sahadin; Jovanie Motasam; Norkyema Sahadain, 23 at Sarolan Sahadain, 50.

Ang mga nasugatan na nilalapatan ng lunas sa ospital ay sina Dennis Espinosa, 36; Bantaud Sahadain,14; Aljima Sahadain, 20; Soyla Sahadain, 45; Soriano Salig, 47; Alsedan Sahadain, 18; Arnold Espinosa, 40; Nadoja Sahadain, 16; Norsima Sahadain, 15; Alhambra Sahadain, 17; Jausan Abdul Sahadain, 60; Diane Motasam, 3; Arnulfo Pacatang, 64; Quinolan Pacatang, 5 at Rogelio Pacatang, 52.

Batay sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon sa kahabaan ng nasabing highway nang magbanggaan ang isang Suzuki multicab (MDZ 368), Isuzu forward truck (XTC 341) at Toyota Vios Sedan (LXA 943).

Nabatid na patungong Davao-Bukidnon road ang Suzuki multicab  nang sumalpok sa Isuzu forward sa Toyota Vios na huminto sa lugar upang magsakay ng pasahero.

Bunga nito ay nagbanggaan ang tatlong behikulo na ikinasugat at ikinasawi ng mga biktima.

Sinalpok rin ng Suzuki multicab ang isang establisyemento sa tabi ng highway kung saan nahagip ang tatlong pedestrian. Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang mga driver at behikulo na sangkot sa karambola ng mga sasakyan.

 

vuukle comment

ALHAMBRA SAHADAIN

ALJIMA SAHADAIN

ALSEDAN SAHADAIN

ARNOLD ESPINOSA

ARNULFO PACATANG

BANTAUD SAHADAIN

DAVAO CITY

DENNIS ESPINOSA

DIANE MOTASAM

SAHADAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with