^

Police Metro

Market master, vendor dedo sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng dalawang lalaki ang isang market master, sekyu at fish vendor habang ang mga ito ay nagmimi­meryenda sa isang burger stand kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Malvar Hospital ang biktimang si Rolando Talento, 51, market master ng Commonwealth Market dahil sa tama ng bala sa batok habang sa East Avenue Medical Center namatay si Joel Tabor, 27, fish vendor naman dulot ng tama ng bala sa kanyang puwet.

Nasugatan naman si Arnel Celestino, 27, market security at ginagamot naman ngayon sa New Era Hospital bunga ng isang tama ng bala sa pisngi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:50 ng gabi sa loob ng Commonwealth Market ay kumakain ang mga biktima sa Nitang’s Burger Stand nang ito ay lapitan ng  dalawang lalaki na ang isa ay nakasuot ng itim na jacket at maong pants habang ang isa ay naka-t-shirt na kulay gray at short pants at pinagbabaril ang mga ito.

Matapos ang pamamaril kaswal na naglakad patakas ang mga suspek patungo sa kalye ng Riverside.

Narekober sa lugar ang tatlong basyo at isang bala ng kalibre 45 baril na ginamit sa krimen.

 

vuukle comment

ARNEL CELESTINO

BURGER STAND

COMMONWEALTH MARKET

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOEL TABOR

MALVAR HOSPITAL

NEW ERA HOSPITAL

QUEZON CITY

ROLANDO TALENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with