^

Police Metro

Ferry boat binalya ng alon: 228 pasahero nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasagip ang may 228 pasahero matapos magkaaberya ang ferry boat na sinasakyan nila nang balyahin ng malakas na hangin at dambuhalang alon sa gitna ng karagatan dulot ng bagyong Auring sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) ang M/V Zamboanga Ferry na pag-aari ng George Peter Lines ay galing Zamboanga City at  malapit na itong dumaong sa pier ng Dumaguete City nang mangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga.

Samantalang bunga ng insidente ay nagkaaberya ang barko ng tumigil ang makina nito sa gitna ng karagatan habang malapit na sa pantalan at tinangay ng alon ang barko ng may 40 metro sa kanugnog na Dumaguete Boulevard.

Nabatid pa na nakaabang na sa pantalan ang mga kamag-anak at pamilya ng mga pasahero nang mang­yari ang insidente at  tumagal ng tatlong oras na binabalya ng alon ang barko na ikinapanik ng mga pasahero nito.

Nasagip naman ang mga pasahero ng mga nagres­pondeng elemento ng Philippine Coast Guard (PCG).

 

vuukle comment

AURING

DUMAGUETE BOULEVARD

DUMAGUETE CITY

GEORGE PETER LINES

NASAGIP

NEGROS ORIENTAL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE COAST GUARD

V ZAMBOANGA FERRY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with