^

Police Metro

Paslit kinatay ng nanay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos humiwalay ang ulo sa leeg ng isang 6-an­yos na batang lalaki matapos na siya ay pagtatagain ng sariling ina na nawalan ng katinuan naganap kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Badiangan, Iloilo.

Idineklarang dead-on-arrival sa Iloilo Provincial Hospital ang biktima na nakilalang si Dashiel Jave Collado na nagtamo ng mga taga sa katawan partikular na ang dalawang malalim na sugat sa leeg.

Ang suspek na ina nito ay nakilala sa pangalang Rubine Collado, 47-anyos na umano’y may dinaranas na nervous breakdown.

Base sa imbestigasyon, ni Iloilo Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Gil Blando Lebin Jr., na naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ina sa Brgy. Ilong Bukid, Badiangan, Iloilo habang natutulog ang bata bandang ala-1:00 ng madaling-araw.

Narinig ng mga kapitbahay ang malakas na palahaw ng bata kaya’t pinuntahan nila ang bahay at dito nadiskubre ang malagim na krimen.

vuukle comment

BADIANGAN

BRGY

DASHIEL JAVE COLLADO

DIRECTOR SR. SUPT

GIL BLANDO LEBIN JR.

ILOILO

ILOILO PROVINCIAL HOSPITAL

ILOILO PROVINCIAL POLICE OFFICE

ILONG BUKID

RUBINE COLLADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with