^

Police Metro

2 lalaki nagbigti

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang naiulat na nagbigti sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Pasig City.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong alas-6:45 ng umaga nang matagpuang naka­bigti ang biktimang si Francisco Manuel, 61, ng No.16 19th Avenue, Brgy. San Roque sa loob ng kanyang bahay ng pamangkin nitong si Henry Mar Miguel, 38.

Nabatid na si Francisco ay walang trabaho at nakakakain lang kapag binigyan  ng kanilang kapitbahay.

Samantala, problemang pinansiyal ang itinuturong dahilan kung bakit nagawa ng
biktimang si Paulito Reyes, 42, miyembro ng Barangay Security Force (BSF) na   magpakamatay sa pamamagitan rin nang pagbibigti sa loob ng kanyang inuupa­hang apartment sa Pasig City kahapon ng alas-4:15 ng madaling-araw.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Pamela Paradillo, 36, na huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa habang nakikipag-inuman sa kanyang kapatid na si Enrico Reyes at mga kapitbahay sa harapan ng isang sari-sari store.

Dito umano naidaing ng biktima sa kanyang mga kainuman ang kinakaharap na problemang pinansiyal.

Inihabilin pa umano ng biktima sa kanyang kapatid na alagaan ang kan­yang anak na lalaki.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SECURITY FORCE

ENRICO REYES

FRANCISCO MANUEL

HENRY MAR MIGUEL

PAMELA PARADILLO

PASIG CITY

PAULITO REYES

QUEZON CITY

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with