^

Police Metro

Bebot na ‘akyat-bahay’, timbog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Timbog ang isang babaeng miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang’ makaraang maaktuhan sa loob ng isang bahay na kanyang pinasok sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap ngayon sa kasong theft ang suspek na nakilalang si Jhoan Mijares, 34-anyos, residente ng Phase 2, Malabon City.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktimang si Elpidio Baylingo, 33-anyos, sa Tanigue Street, Caloocan City.

Tinangay ng suspek ang Blackberry cellular phone ng biktima at papatakas na nang magising si Baylingo.  Nagsisigaw naman ng saklolo ang biktima nang makita ang magnanakaw na palabas na ng kanilang bahay.

Agad namang naalerto ang mga gising pang kapitbahay at mga nagrorondang barangay tanod sa lugar na humabol sa suspek sanhi upang makorner ito at maaresto.

 

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

BAYLINGO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ELPIDIO BAYLINGO

JHOAN MIJARES

MALABON CITY

NAGSISIGAW

NAHAHARAP

TANIGUE STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with