^

Police Metro

Nagbenta ng ‘hot car’ huli

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos magbenta ng nakaw na sasakyan kaya ina­resto ng mga awtoridad sa isang entrapment operation ang isang 46-anyos na lalaki sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Rizalino Hernandez, hepe ng Manila Police District-Anti-Carnapping Unit (MPD-ANCAR) ang dinakip na si Romeo Bulaong, residente ng Marcosin St., Brgy.,  Gulod Novaliches Quezon City.

Si Bulaong ay inaresto dahil sa natanggap na impormasyon ng pulisya na nakaw ang ibinebenta niyang sasakyan na Mitsubishi Adventure (PIF-897), na kulay pula sa halagang P90-libo lamang.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa nang isagawa ang entrapment operation kay Bulaong sa Blumentrit Extension, Sampaloc Maynila.

Nagpanggap na buyer ng sasakyan ang mga pulis at nang beripikahin nila ang mga dukumento ng sasakyan sa Highway Patrol Group (HPG) ay nadiskubreng karnap nga ang kotse kaya inaresto si Bulaong.

vuukle comment

BLUMENTRIT EXTENSION

BULAONG

CHIEF INSP

GULOD NOVALICHES QUEZON CITY

HIGHWAY PATROL GROUP

MANILA POLICE DISTRICT-ANTI-CARNAPPING UNIT

MARCOSIN ST.

MITSUBISHI ADVENTURE

RIZALINO HERNANDEZ

ROMEO BULAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with