^

Police Metro

Pamilya, 4 kinatay

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mistulang kinatay na parang hayop ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos na sila ay pagta­tagain ng mga hindi pa kilalang suspek sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa isang liblib na lugar sa Sitio Liaga, Brgy. Mabuno, Gattaran, Cagayan kamakalawa.

Ang mga nasawi dulot ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay ang mag-asawang Danny Baguiwang, 40; misis nitong si Reymalyn Baguiwang, 33; at mga anak na sina Reydan, 5 at Reymond, 1.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-12:30 ng tanghali kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang kubo ng may-ari ng lupang sinasaka ng mga ito na si Renato Bitanga.

Sa pahayag ng isang Dio­nisio Ganoot, nasa 150 metro ang layo sa bahay ng mga biktima dakong alas-10:00 ng gabi ay nakarinig siya ng tahulan ng mga aso mula sa bahay ng pamilya Baguiwang at paghingi ng tulong.

Hindi umano niya ito pinansin sa pag-aakalang guniguni lamang at natulog na siya bunga ng matin­ding pagod sa maghapong pagtatrabaho sa bukid.

vuukle comment

BAGUIWANG

BRGY

DANNY BAGUIWANG

DIO

GANOOT

GATTARAN

RENATO BITANGA

REYMALYN BAGUIWANG

SITIO LIAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with