^

Police Metro

Suspek sa pagpatay sa UPLB student tugis

Ed Amoroso, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinutugis na ng pulis­ya ang isang suspek sa pagpatay kay University of the Philippines-Los Baños (UPLB) Maria Victoria Reyes, 19-anyos, 3rd-year college sa kursong Agricul­ture student na kinilalang si Benigno Nayle Jr, jobless at residente sa  kalapit na subdibisyon ng biktima sa Ferlins Subdivision, Barangay San Vicente, Biñan City, Laguna.

Ayon sa mga saksi nakita nila ang suspek na mabilis na lumalabas mula sa bahay ng pamil­ya Reyes na duguan ang damit patungong sa national highway.

Nakita rin ng mga saksi na nakasuot ang suspek ng bullcap at nagpapalit ng damit na kinuha nito sa kanyang dalang bag habang tumatakas.

Nang lusubin ng mga otoridad ang bahay ng suspek at iba pa nitong kaanak ay wala na doon ang mga ito.

Magugunita na natag­puan ang duguang kata­wan ng biktima sa kan­yang kuwarto noong Lunes ng alas-12:40 ng hapon ng ama nitong si Sixto.

Isinugod ng ama ang anak sa Perpetual Medical Center, subalit idineklara itong dead on arrival.

Pagnanakaw ang motibo ng pagpatay sa biktima dahil sa nawawala ang laptop, camera, cellphone at hindi pa madeterminang halaga ng salapi.

Nabatid na nag-iisa ang biktima sa bahay nang ito ay pasukin ng mga suspek na dumaan sa harapang gate ng bahay.

vuukle comment

AGRICUL

AYON

BARANGAY SAN VICENTE

BENIGNO NAYLE JR

FERLINS SUBDIVISION

ISINUGOD

MAGUGUNITA

MARIA VICTORIA REYES

PERPETUAL MEDICAL CENTER

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with