^

Police Metro

Hiling ng pamilya ni Rodelas… Ibalik ang bitay!

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ng pamilya ng pinaslang na modelo na si Julie Anne Rodelas na ibalik ng pamahalaan ang parusang bitay.

Ayon kay Alvin Rodelas isa sa mga kapatid ng biktima, hanggang sa kasalukuyan ay hirap pa ring tanggapin ng kanilang ina na si Luz ang pagkawala ni ‘Jaja” (biktima) matapos itong matagpuan tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan sa 18th Avenue, Cubao, Quezon City noong Nobyembre 6 dakong alas-5:15 ng madaling araw.

Dahil sa pangyayari, halos araw-araw umanong umiiyak ang kanilang ina na hindi matanggap ang kaawa-awang sinapit ng anak na pinlano pa ng matalik na kaibigan nito na si Althea Altamirano na itinuring rin nilang kaanak.

Ngayong araw ng Sabado, dakong alas-8:30 ng umaga, nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantu­ngan ang mga labi ni Jaja sa Golden Heaven Memorial Park sa Sucat, Las Piñas City. 

Ganap na alas-8:00 ng umaga ilalabas ang mga labi ni Jaja mula sa kanilang bahay sa  #48 Bagong Lipunan St., CAA Las Piñas City at dadalhin muna sa Mary Queen Parish Church upang alayan ng banal na misa at mabasbasan bago dalhin sa himlayan nito.

 

 

 

vuukle comment

ALTHEA ALTAMIRANO

ALVIN RODELAS

AYON

BAGONG LIPUNAN ST.

GOLDEN HEAVEN MEMORIAL PARK

JAJA

JULIE ANNE RODELAS

LAS PI

MARY QUEEN PARISH CHURCH

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with