^

Police Metro

Hindi pinagamit ng shabu… kuya tinodas ng utol

Pang-masa

MANILA, Philippines - Galit na galit na si­nak­sak ng isang lalaki ang kanyang 49-anyos na kuya matapos siyang hindi pinagamit ng shabu naganap kahapon ng umaga sa Marikina City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa malalim na saksak sa dibdib na tumagos sa puso ay nakilalang si Volbaxter Delos Reyes, residente ng 167 Malaya St., Brgy.Malanday ng lungsod.

Nadakip agad ang suspek na si Oliver, 39, umano’y mental patient, at residente rin ng natu­rang lugar.

Batay sa ulat, na bago nangyari ang krimen dakong alas-10:45 ng umaga sa loob ng bahay ng magkapatid ay tumitira umano ng shabu ang biktima.

Dito ay lumapit ang suspek at humihingi ng shabu, subalit pinagdadamutan umano siya ng kaniyang kuya at hindi pinayagang bumatak ng shabu.

Sa salaysay ng suspek na habang bumabatak ang biktima ay pinagtripan umano siya nito na takutin at saksakin ng dalang patalim. Kaya’t inagaw umano ng suspek ang patalim sa kuya at sinaksak ito sa dibdib.

Tinangka pa umanong awatin ng kanilang ina na si Angelita, 76, ang magkapatid ngunit maging ito ay nasugatan sa kamay.

Base sa rekord ng pu­lisya, ang suspek ay matagal ng pasyente sa National Mental Hospital sa Mandaluyong City at sumasailalim sa buwanang check-up.

Hinala ng otoridad na posibleng inatake ng kanyang sakit ang suspek kung kaya’t nagawa nito ang krimen.

Humingi ng paumanhin ang suspek sa kaniyang ina at kapatid, ngunit sinabing hindi umano niya pinagsisisihan ang krimen dahil matagal na siyang inaapi ng kaniyang kuya.

 

vuukle comment

ANGELITA

BATAY

BRGY

DITO

MALAYA ST.

MANDALUYONG CITY

MARIKINA CITY

NATIONAL MENTAL HOSPITAL

SUSPEK

VOLBAXTER DELOS REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with