^

Police Metro

Sekyu todas sa holdap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang security guard makaraang siyang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang holdaper na nanloob sa binabatanyan nitong establisemyento sa Los Baños, Laguna, ka­ma­kalawa ng umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Conrado Masongsong, hepe ng Los Baños Police ang nasawing biktima na si Robert Depon Jr., 21-an­yos ng Asean Trea­sure Security Agency, residente ng Veteran’s Village, Project 7, Quezon City.

Bandang alas-9:00 ng umaga ng madiskubre ang duguang nakabulagtang katawan ng biktima sa binabantayan nitong Finance Officer ng Emilio Lim Appliance Center na matatagpuan sa kahabaan ng Lopez Avenue, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna.

Ang biktima ay tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na palantandaang nanlaban ito sa mga kawatan na pu­wersahang pumasok sa nasabing establisyemento.

Sa salaysay ni Michelle Malabag, Finance Officer ng nasabing appliance center nagulat na lamang siya ng makitang nakabukas ang main door ng kanilang tanggapan.

 

vuukle comment

ASEAN TREA

BATONG MALAKE

CHIEF INSPECTOR CONRADO MASONGSONG

EMILIO LIM APPLIANCE CENTER

FINANCE OFFICER

LOPEZ AVENUE

LOS BA

MICHELLE MALABAG

QUEZON CITY

ROBERT DEPON JR.

SECURITY AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with