^

PM Sports

Arangkada o resbak

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Baligtad ang sitwasyon sa muling paghaharap ng Rain or Shine at Phoenix.

At kasahog sa intriga ang unang pakikiharap ni Gian Mamuyac sa kanyang former team.

Kung last conference ay Rain or Shine ang may bitbit na unbeaten run hanggang pigilan ng Phoenix, 112-116, sa eliminations ng Commissioner’s Cup, ngayon ay ang Fuel Masters naman ang may hawak na perfect card sa pagharap sa Elasto Painters.

Susubukang ituloy ng Phoenix ang magandang simula kontra Rain or Shine ngayong gabi sa Ynares Center-Antipolo. Papasok naman sa court ang ROS na nanggagalaiti galing sa masakit na 131-108 talo sa Blackwater.

At dagdag intriga nga si Mamuyac na sa kanyang ikalawang laro sa Phoenix, eh haharapin ang kanyang dating ROS teammates.

Nai-trade si Mamuyac ilang araw lang ang lumipas dahil ang kanyang agent at ang ROS management ay may hindi napagkasunduan sa kanilang contract negotiation.

Pero mukhang wala naman samaan ng loob sa magkabilang panig. Pero hindi maipagkakaila ang bigat ng unang pagtatagpo sa hardcourt – paghaharap ni Mamuyac at ang koponang humubog sa kanya sa unang tatlong taon ng kanyang pro career.

Inaasahan maganda ang salpukan dahil determinado ang Phoenix na mapahaba pa ang kanilang streak, samantalang mainit ang ROS sa naisin mairesbak ang pagkakabugbog sa Blackwater.

Gustong patunayan nina coach Charles Tiu at Fuel Masters na hindi tsamba ang tatlong sunod kontra Magnolia, Meralco at Barangay Ginebra.

“Hopefully, we can sustain the run and sneak into the playoffs,” ani Tiu.

Parehong nakaabot sa Commissioner’s Cup playoffs ang Phoenix at ROS. Pero dapa ang Phoenix sa quarters samatalang nakausad sa semis bago natalisod ang ROS.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with