PBA format shift
Shift back sa group play format ang PBA para sa Season 50 Governors Cup na magsisimulang gumulong sa July 10.
Bandera ang defending champion TNT at Philippine Cup holder San Miguel Beer sa Group A, kasama ang Coverge, NLEX, Titan Ultra, Terrafirma at guest team Macau Giant Pandas.
Kasama naman ng Commissioner’s Cup champ Barangay Ginebra ang Rain or Shine, Meralco, Magnolia, Blackwater at Phoenix sa Group B.
Na-divide ang 12 regular ballclubs sa dalawang grupo base sa kanilang showing sa first two conferences. At call ni PBA commissioner Willie Marcial na ilagay sa Group A ang guest squad.
Dalawang beses maghaharap ang magkaka-grupo. So, may 12 games per team sa Group A at 10 naman sa Group B. Ang top four per group ang uusad sa crossover best-of-three quarterfinals.
Group A No. 1 versus Group B No. 4, Group A No. 2 opposite Group B No. 3, Group A No. 3 against Group B No. 2, Group A No. 4 versus Group B No. 1.
“Sa bandang huli, usual suspects pa rin ang maglalaban-laban sa itaas,” ani Pareng Kandong na may ngisi.
Lalaro si Justin Brownlee sa kanyang paboritong PBA conference, at susubok maka-iskor ng double championship sa Season 50.
Kasama niyang balik-imports sina Jalen Hudson ng Converge, DeQuan Jones ng NLEX, Aaron Fuller ng ROS at George King ng SMB. Maaari rin magbalik si Rondae Hollis-Jefferson bago matapos ang conference.
Matapos maagang matalisod sa Commissioner’s Cup, inaasahan ang malakas na balik ng San Miguel – lalo na’t nakikitang swak sa kanila si King.
Maganda ang ipinakita ni King sa Blackwater Bossing noong 2025 campaign. Mabigat nga lang ang load na buhat niya sa kanyang previous team.
Ngayon, sasahog lang siya sa scoring party nina June Mar Fajardo, CJ Perez, Don Trollano, Marcio Lassiter, Jericho Cruz at Moala Tautuaa. Swak!
- Latest





















