Brownlee battling
Downhill ride na ba ang basketball ni Justin Brownlee?
Humakot siya ng six PBA titles para sa Barangay Ginebra, pero naging tagtuyo’t at tag-gutom pagkatapos ng kanilang huling championship run noong 2022-23 PBA Commissioner’s Cup.
Sa edad 37, resident import pa rin siya ng Gin Kings. Pero darating at darating ang pagtatapos ng lahat.
Grind, grind, grind. Piga, piga, piga. Kailangan niyang mag-deliver o malalapit ang kanyang farewell tour.
Pero hindi lang naman siya ang nahaharap sa mabigat na challenge. Syempre, ganoon din si coach Tim Cone at ang buong Ginebra team dahil mabigat ang laban kontra teams na may mga higanteng imports.
Victorious sila sa kanilang conference debut kontra Macau Black Knights, 100-93.
Maganda itong panimula na nais nilang bigyan ng follow-up sa pakikiharap sa NLEX Road Warriors ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kung makalusot, isa sila sa dalawang koponan na mananatiling unbeaten kasama ang winner sa Rain or Shine-Meralco tiff.
Pero ang tunay na pagsubok kay Brownlee ay kung saan niya maihahatid ang Gin Kings sa pagtatapos ng conference. Last Four showing eh maganda.
Pagkatapos noon, malamang naman na siya pa rin ang import ng Ginebra sa Governors’ Cup pwera na lang kung tamaan ng injury.
Doon, mas mataas ang expectation sa kanya. Real test.
- Latest















