^

PM Sports

PBA crown target ng SMB

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Tatagay sa ikalawang sunod na kampeonato ang San Miguel Beer kontra sa karibal na Talk ‘N Text sa Game 6 ng PBA Season 50 Philippine Cup finals ngayon sa Mall of Asia Arena.

Tangan ang 3-2 kartada, susubok dito ang Beermen sa alas-7:30 ng gabi upang matagumpay na madepensahan ang korona at hindi na mabigyan pa ng tsansa sa winner-take-all Game 7 ang Tropang 5G.

Nakaumang sa ika-31 kabuuang PBA championship ang SMB matapos ang 96-82 panalo sa Game 6 sa Ynares Sports Center sa Antipolo sa likod ng bench mob matapos mamroblema ang starters ni coach Leo Austria at mapilay ang main man nitong si June Mar Fajardo.

Bumagsak si Fajardo na iniinda ang kanyang kaliwang tuhod subalit sa kabutihang palad ay sinalo nina Rodney Brondial at Kris Rosales na kumamada ng 17 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nangako si Fajardo na ipipilit kung kaya lalo’t nakataya ang kanyang ika-12 PBA title na sasahog sa record-breaking niyang individual awards tampok ang 13 Best Player of the Conferences at 9 na Most Valuable Player awards.

“Gusto rin i-try ng PT para matingnan kung kaya ko maglaro. Sa tingin ko, kaya naman. Pahinga lang siguro, tapos therapy lang ako. Kaya naman ito siguro,” ani Fajardo na aasa uli sa mga pambatong kasama para sa solidong suporta upang makumpleto na ang kanilang misyon.

Subalit hindi pa rin ito magiging madali lalo’t gigil ang mga bataan ni coach Chot Reyes ang haharang sa kanilang daan upang makahirit ng Game 7 sa parehong venue at mapa­natiling buhay ang asam nitong matamis na higanti.

Yumukod ang TNT sa SMB noong Season 49 All-Filipino finals upang mapurnada ang Grand Slam.

PBA

SMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with