Lacsina sisters sa Adamson

MANILA, Philippines — May susunod na sa mga yapak ni Akari star Ivy Lacsina sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at posible sa Premier Volleyball League (PVL).
Ito ay matapos ang nagkakaisang pagpayag ng kanyang mga kapatid na sina Ize, Iya at Ishaa na pumasok sa Adamson University girls’ volleyball program.
Ayon sa 25-anyos na si Lacsina, ang kanyang tatlong nakababatang kapatid ang nagdesisyon na maglaro sa Adamson.
“Ang sabi ko lang naman sa kanila is iga-guide ko sila towards sa magiging journey nila kasi siyempre, sanay sila sa Pampanga and matatangkad lang sila pero mga baby girls ba din sila,” ani Lacsina.
“Alam namin na napapa-proud namin ‘yung parents and natutupad namin ‘yung dream naming magkakapatid na halos lahat kami nasa sports,” dagdag ng tubong San Fernando, Pampanga.
Naglaro ang 6-foot-1 na si Lacsina para sa National University Lady Bulldogs at tinalo ang De La Salle Lady Spikers sa UAAP Season 84 Finals noong 2022.
Nauna na siyang humataw para sa BaliPure Purest Water Defenders bilang isang middle blocker sa 2018 PVL conference.
Noong Setyembre ng 2022 ay kinuha si Lacsina ng F2 Logistics Cargo Movers bago ito binuwag kasunod ang paglipat niya sa Nxled Chameleons noong 2023.
Nai-trade naman siya sa sister team ng Nxled na Akari sa sumunod na taon.
- Latest



















