Righteous Ruby kakasa sa PHILARCOM Japan Cup
MANILA, Philippines — Sasalang muli sa pista ang mahusay na Righteous Ruby sa magaganap na 2023 PHILRACOM ‘Japan Cup’ na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas sa darating na Linggo.
Makakasali sa nasabing karera ang mga registered 4-Year-Old & Above Imported/Local Horses.
Bukod sa Righteous Ruby, ang ibang naghayag ng pagsali sa distansyang 1,800 meter race ay ang Bombay Nights, Enigmatic Linden, Runway Dreamer, Shastaloo, Speed Fantasy, Sudden Impact, Time For Glory at Treasure Hunting.
Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year Awardee Jonathan Basco Hernandez, pakay ng connections ng Righteous Ruby na masungkit ang P600,000 premyo.
Nakalaan ang garantisadong P1M premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Kukubrahin ng second placer ang P200,000, may P100,000 sa third habang tig-P50,000, P30,000 at P20,000 sa fourth hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.
Magbubulsa ang breeder ng winning horse na P50,000.
- Latest























