^

PM Sports

Blazers nabingwit si Liwag

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa College of Saint Benilde ang magiging bagong tahanan ni dating Emilio Aguinaldo College standout Allen Liwag.

Pormal nang kinumpirma ni Liwag ang pagpasok nito sa kampo ng Blazers.

Kasama si Liwag sa ensayo ng Strong Group sa College of Saint Benilde gym sa Taft avenue sa Maynila.

At dito isiniwalat ni Liwag na papasok ito sa Bla­zers para sa mga susunod na edisyon ng NCAA men’s basketball tournament.

Inamin ni Liwag na Benilde at San Beda ang mga paaralang nagpahayag ng interes sa kanya.

Subalit pinili nito ang Benilde dahil naniniwala ito sa solidong programa ni Blazers head coach Charles Tiu para sa kanilang tropa.

Alam ni Liwag na ma­rami itong matututunan kay Tiu partikular na ang mga kahinaan nito na kailangan pang i-improve.

“Marami pa akong weaknesses na alam kong madedevelop ko kay coach Charles. Sa tingin ko fit yung laro ko sa sistema ni coach, mailalabas ko yung laro ko,” ani Liwag.

Nagpasalamat si Liwag sa pamunuan ng Benilde sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.

At nangako itong su­suklian nito ang lahat upang matulungan ang Blazers sa kampanya nito sa mga susunod na taon.

“Sobrang nagpapa­salamat ako sa tiwalang ibinigay sa akin ng Benilde. Kaya kailangan kong suklian. Excited na ako dahil magandang experience ito sa akin, alam kong marami akong matututunan,” ani Liwag.

Sasailalim muna si Liwag sa one-year residency bago makapaglaro sa Season 100 ng liga.

vuukle comment

COLLEGE OF SAINT BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with