^

PM Sports

SBU pinatibay ang kapit sa No. 4 spot

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumibay ang kapit ng San Beda University sa No. 4 spot sa team stan­dings matapos nilang sagpangin ang Emilio Aguinaldo College, 72-64 sa NCAA Season 98 seniors basketball tournament na ginanap sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan kahapon.

Humugot ng bangis ang Red Lions kay Tony Ynot matapos silang akbayan sa 11-4 run para hawakan ang siyam na puntos na bentahe, 67-58 may 1:20 minuto na lang sa orasan.

Nakahabol ng bahagya ang Generals,  sumalpak ng back-to-back tres si Art Cosa para ibaba sa limang puntos ang hinahabol, 64-69 may 52 segundo pa sa final period.

Subalit hanggang doon na lang ang lakas ng Taft-based team at nalasap nila ang ika-12 talo sa 13 laro.

Humarurot si Ynot ng career-high 25 points, 10 rebounds at tig-tatlong assists at steals para sa San Beda na nirehistro ang 7-4 card.

Bumakas si James Kwekuteye ng 13 puntos at siyam na boards habang kumana sina Yukien Andrada at JB Bahio ng tig-siyam at pitong puntos ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni JP Maguliano ang opensa para sa Generals matapos ilista ang 11 puntos at siyam na rebounds, may 10 markers, pitong rebounds at dalawang steals ang kinana ni Allen Liwag.

Samantala, nagwagi ang Mapua Cardinals sa Perpetual Help Altas, 73-65 sa unang laro. 

Tumapos si Warren Bonifacio na may 14 puntos, siyam na rebounds at tatlong assists para sa Cardinals (4-9).

 

 

vuukle comment

SAN BEDA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with