^

PM Sports

Lady Bombers, Lady Pirates bakbakan sa No. 4 seed

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalabas na ng Jose Rizal University at Lyceum of the Philippines University ang lahat ng alas nito para masikwat ang huling semis spot sa pagpapatuloy ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 97 women’s volleyball tournament ngayong araw sa Paco Arena sa Maynila.

Mag-aagawan ang Lady Bombers at Lady Pirates sa No. 4 seed sa kanilang salpukan sa alas-2:30.

Nais naman ng San Beda University at University of Perpetual Help System Dalta na magkaroon ng magandang exit sa season na ito sa unang laro sa alas-12 ng tanghali.

Nasa No. 4 ang Mapua University na may 5-4 marka habang ikalima ang JRU at Lyceum na parehong may 4-4 kartada.

Sinuman ang manalo sa Lady Bombers at Lady Pirates ay awtomatikong uusad sa semis dahil sa mas mataas na quotient points.

Hawak ng Lady Pirates ang 0.973 habang ang Lady Bombers naman ay may 0.954 — malayo sa 0.922 ng Lady Cardinals.

Nais ng JRU na makabalik sa semis dahil huli itong nasilayan sa Final Four noon pang 2018.

Papalo para sa Lady Bombers sina Renesa Melgar at Dolly Verzosa na panguna­hing pinagkukunan ng puntos ng kanilang tropa.

Target naman ng Lyceum na makahirit ng tiket sa semis sa unang pagkakataon sapul noong 2011.

Una nang nakapasok sa finals ang College of Saint Benilde na may malinis na 9-0 baraha dahilan para mauwi sa stepladder ang semifinals.

Pasok na sa semis ang reigning champion Arellano University (7-2) at San Sebastian College-Recoletos (6-3).

 

vuukle comment

LADY BOMBERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with