^

PM Sports

Si Wesley So

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Sa mga mahihilig sa chess, alam nila ang kuwento ni Wesley So.

Dati siyang pambatong Pinoy chess player ng Pinas. As in world-class chess player, panlaban talaga. Pero naglalaro na siya para sa US ngayon mula pa noong 2014.

Nakita kong may malaking achievement na na­man siya.

Sunud-sunod ang panalo niya kontra sa mga world champions sa kasalukuyang Norway Chess tournament sa Stavanger.

Tinalo niya kahapon ang 52-gulang na five-time world champion na si Vishwanathan Anand ng India matapos silatin si reigning world chess king Magnus Carlsen ng dalawang beses sa blitz section sa second round.

Pero ang lahat ng karangalang ito ay para na nga­yon sa Amerika na dapat sana ay para sa Pinas.

Kung naalagaan siyang mabuti, naayos ang issue sa mga opisyal, kinilala ang mga ibinigay niyang karangalan sa Pinas, hindi sana siya nagdesisyong lumipat sa U.S.

Hindi natin masisisi kung maghangad siya ng mas magandang buhay, mas magandang financial support at makasama ang kanyang mga magulang at siyempre, nagkaproblema sa mga opisyal, nawalan ng gana ang bata… umalis.

Kung nagkataon, baka ganito rin sana ang na­ging kaso ni pole vaulter EJ Obiena.

Mabuti na lang, naayos ang problema ni Obiena sa PATAFA.

vuukle comment

WESLEY SO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with