^

PM Sports

Katuparan ng pangarap

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Taong 2016 nang unang manalo ng PSA Athlete  of the Year Award si Hidilyn Diaz, ang kauna-una­hang Pinoy athlete na nagbigay ng Olympic gold medal sa Pinas.

Bago nangyari iyon, naka-attend siya ng PSA awards para tumanggap ng mas mababang parangal, at sinabi niya sa sarili niya na ‘Gusto ko ring manalo ng PSA Athlete of the Year.”

At nagawa nga niya. Nakatatlo pa nga siya. Pa­nga­lawa noong 2019 matapos maka-gold sa Asian Games at pinakahuli nitong nakaraang PSA Awards Night matapos manalo ng gold sa Tokyo Olympics.

“Naalala ko noon, pangarap ko lang dating makapunta dito sa PSA Awards (rites). Little did I know na pangatlo ko na ngayon. Talagang walang imposible, ano?” ani Diaz sa kanyang acceptance speech sa pagbabalik face-to-face ng PSA Awards kamakailan, suot ang kulay gold na gown na angkop na angkop sa kanya.

“Ibig sabihin lang ni­to ay walang imposible at kaya nating mga Pi­lipino na manalo ng gold medal sa Olympics. Kung nagawa ko, kaya ng iba pang athletes. Si­ni­mulan kong mangarap hanggang sa ginawan ko ng paraan para matupad ang ambisyon kong ma­kakuha ng gold sa Olympics.”

Madaling sabihin, pero napakahirap gawin dahil maraming sakripis­yo si Diaz at kailangan ng kongkretong support system; financially, physically at mentaly.

“Kayang-kaya natin ito at naniniwala ako na marami pang Pilipino ang mananalo sa Olympics.” dagdag ni Diaz na ginawaran din ng Milo Champion of Grit and Glory award.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with