^

PM Sports

John Pinto sa Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa
John Pinto sa Ginebra
John Pinto.

MANILA, Philippines — Dahil matatagalan pa ang pagbabalik ni star guard Stanley Pringle na may injury sa tuhod, hinugot ng nagdedepensang Barangay Ginebra si veteran playmaker John Pinto.

Naging isang unrestricted free agent ang 31-anyos na si Pinto, naglaro para sa Meralco Bolts, sa pagtatapos ng 2021 season kaya siya nakuha ng Gin Kings at pinapirma sa two-year contract.

Kumolekta si Pinto ng mga averages na 9.0 points, 2.5 rebounds at 5.5 assists sa unang dalawang laro ng Bolts sa natenggang 2021-2022 PBA Governors Cup.

Ang dating point guard ng Arellano Chiefs sa NCAA ang pinili ng GlobalPort noong 2014 PBA Rookie Draft bago naglaro para sa Kia franchise at Blackwater na siyang nagbigay sa kanya sa Meralco noong 2019 kapalit ng draft picks.

Kamakailan ay inoperahan si Pringle para sa kanyang meniscus injury sa kaliwang tuhod at hindi na makakalaro sa Ginebra sa season-ending conference.

“That will put him out of the Governors’ Cup,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa 33-anyos na Fil-American guard.

Samantala, lumipat naman si forward Rodney Brondial sa San Miguel matapos tanggihan ang alok na panibagong two-year deal ng Alaska.

Sa pagdating ng 6-foot-5 na si Brondial ay lalo pang lalakas ang frontline ng Beermen ni mentor Leo Austria na kinabibilangan nina six-time PBA MVP June Mar Fajardo, Moala Tautuaa at Vic Manuel.

Kamakalawa ay inihayag ng PBA ang pansamantalang suspensyon ng mga laro sa Governors Cup dahil sa pagsirit ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila at karatig probinsya bunga ng Omicron variant.

Magbabalik lamang ang liga kapag humupa na ang mga COVID-19 cases, ayon kina PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Tropang Giga at PBA Commissioner Willie Marcial.

vuukle comment

JOHN PINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with