^

PM Sports

Donaire balak labanan si Gaballo sa December 11

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ganapin ang bakbakan nina World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire at mandatory challenger Reymart Gaballo sa Disyembre 11 sa Amerika.

Ito ang inihayag mismo ni Donaire matapos ipag-utos ng WBC na depensahan nito ang titulo nito kay Gaballo na mandatory challenger.

“We’re looking at December 11 schedule,” ani Donaire.

Hindi gaya ng ibang laban na kaliwa’t kanan ang banatan ng magkabilang kampo, puro respeto ang lumalabas sa bibig ng dalawang Pinoy pugs.

Patunay na may class ang mga Pinoy boxers. Trabaho lang walang personalan ika nga.

Excited na si Gaballo na makalaban ang kanyang iniidolong si Donaire.

“I’m so happy and glad to fight my idol Nonito Donaire. So hopefully it will be a good fight,” ani Gaballo sa panayam ng The Ring.

Kasalukuyang nasa pukpukang pagsasanay si Gaballo sa Miami, Florida kasama si trainer coach Osmiri “Moro” Fernandez.

Nais ni Gaballo na maihanda ang kanyang sarili sa pinakamalaking laban na haharapin nito.

Sa kabilang banda, natutuwa si Donaire sa magandang pag-uugali ni Gaballo na tinawag nitong may respeto at mabuting tao subalit nangako si Donaire na hindi nito sasantuhin si Gaballo sa kanilang laban.

vuukle comment

NONITO DONAIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with