^

PM Sports

Pangako ni Mac Belo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Opensa at depensa ang pangakong maiaambag ng bagong Bolts na si Mac Belo upang lalong madagdagan ang puwersa ng pinalakas na Meralco para sa papalapit na 46th PBA Season.

Para sa FEU stalwart, handa siyang sulitin ang bagong simula at suklian agad ang tiwala ng bagong koponan matapos ang hindi inaasahang trade mula sa long-time team na Blackwater.

“Gustung-gusto kong makatulong sa team. Kung ano man puwede ko maitulong, gagawin ko at kung ano man sabihin para mag-fit ako sa sistema ni coach Norman Black,” ani Belo kahapon sa Power and Play program ni dating PBA Commissioner Noli Eala sa Cignal TV. “Maitutulong ko sa team siguro ‘yung pagiging two-way player ko. Kaya ko dumipensa sa kahit anong posisyon. Basta gagawin ko lahat anomang iatas sakin ni coach.”

Nalipat ang 27-anyos na wingman kamakalawa sa Bolts kapalit sina Baser Amer at Brian Faundo matapos ang 4-taon sa Elite.

Dating national team cadet si Belo at tatlong beses naging PBA All-Star sa Blackwater matapos maging top pick ng 2016 special Gilas Pilipinas draft.

“Part of PBA life. Naging malaking tulong sa akin ‘yung Blackwater at sa pamilya ko,” dagdag pa ni Belo.

 

vuukle comment

MAC BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with