^

PM Sports

Harvey Carey nagretiro

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Harvey Carey nagretiro
Harvey Carey

MANILA, Philippines — Matapos ang makulay na 17 taon, nagretiro na sa PBA ang 41-anyos ve­teran na si Harvey Carey na inanunsiyo ng TNT Tropang Giga kahapon.

Napili bilang 4th overall pick si Harvey ng TNT noong 2003 at naging bahagi ng lahat ng pitong kampeonato ng koponan kung saan siya nanatili sa kanyang buong PBA career.

Ang 17 seasons ni Carey sa TNT ang ikalawa sa pinakamatagal na playing career sa iisang koponan lamang katabla si Alvin Patrimonio ng Purefoods, ayon kay chief PBA statistician Fidel Mangonon. Si Mark Ca­guioa lamang ng Ginebra ang nakalagpas sa kanila bilang longest-tenured player sa iisang team sa loob ng 18 seasons.

Bukod sa pitong kampeonato,  miyembro rin si Carey ng PBA Mythical Second Team noong 2003 at All-Defensive Team noong 2007.

Nauna nang nagretiro sina PJ Simon ng Magnolia at Cyrus Baguio ng NLEX.

 

vuukle comment

HARVEY CAREY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with