^

PM Sports

Beau Belga kinalaban ang sarili sa chess

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Beau Belga kinalaban ang sarili sa chess
Beau Belga

MANILA, Philippines — Kalabanin ang sarili sa chess... yakang-yaka ‘yan ni Rain or Shine Elasto Painters big man Beau Belga.

Nabuburyo na ata si Belga ilang araw pa lamang sa loob ng  PBA Clark bubble na naisipang hamunin ang sarili sa larong chess.

Sa Instagram, ipinakita ng two-time PBA champion sa isang video kung paano laruin ang chess na mag-isa. “Finding a way not to get bored in the PBA Bubble,” caption niya sa video.

Matapos itira ang puting piyesa, ay lumipat naman sa itim na piyesa si Belga para itira rin ito. Kinaila­ngan niya pang pag-isipang maigi ang susunod na galaw na akalamo’y ibang tao ang kalaban at  may pag-iling-iling pa ito. May mga audience pa ng nagbibigay ng kanilang komento at agad niya itong si­naway. “Puwede bang ‘wag kayong maingay, nagko-concentrate ako.”

Nagsimula na ang scrimmages ng mga koponan sa Angeles University Foundation Gym sa PBA bubble sa pagpapatuloy ng naudlot na Philippine Cup sa Oktubre 11 para sa kinapapanabikang pagbabalik ng pro-league.

vuukle comment

BEAU BELGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with