^

PM Sports

Aguilar aasahan ng Ginebra sa Philippine Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagkawala ng kanyang twin tower tandem, mas malaking sapatos nga­yon ang kailangang pu­nan ni Japeth Aguilar pa­ra sa 2020 PBA Philippine Cup.

Subalit kasabay nito ay mas magandang per­for­mance rin ang inaasahan ni Barangay Ginebra coach Tim Cone sa kanyang prized big man para sa misyong madala sa makasaysayang All-Fili­pino Conference championship ang Gin Kings.

Ayon kay Cone, aaba­ngan niya ang lalong paglakas ni Aguilar nga­yong wala na siyang ka­tambal sa ilalim na bagay na magpupuwersa sa kan­ya upang ibuhos ang lahat ng lakas at maging isa sa pinakamadominanteng big man sa liga.

Nauna nang napila­yan ang Ginebra sa off­season makaaran ang pagkopo sa 2019 Go­vernors’ Cup ma­tapos ang de­sisyon ni seven-foot center Greg Slaughter na mag­pahinga muna sa bas­ketball kasu­nod ng pag­kapaso ng kanyang kon­­trata.

Beterano ng Gilas Pi­lipinas, masusubukan si Aguilar bilang lone giant ng Gin Kings lalo’t hindi pa rin makakalaro si Joe Devance matapos sumailalim sa stem cell therapy para pagalingin ang kanyang sunud-sunod na in­ju­ries.

Sa kabutihang palad ay buo ang kumpiyansa ng 6’8 forward lalo’t ka­gagaling lamang niya sa pambihirang Govs’ Cup campaign kung saan siya nagrehistro ng mga ave­ra­ges na 17.4 points, 7.0 re­bounds at 3.4 blocks.

Bunsod nito ay nagwagi si Aguilar ng Finals MVP gayundin ang Gin Kings, 4-1, para sa ikatlong Govs’ Cup crown sa nakalipas na apat na taon.

Sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum na ila­­larga ang 2020 PBA Phi­lippine Cup subalit sa Marso 14 pa magbubukas ng kampanya si Aguilar at ang Gin Kings kontra sa Blackwater sa Ba­langa, Bataan.

Makakasama ni Aguilar sa pagtimon sa crowd darling sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Jeff Chan, Al­jon Mariano, Prince Ca­­peral at kasama sina ro­okies Jerrick Balanza at Arvin Tolenti­no.

 

vuukle comment

PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with