^

PM Sports

Sports apektado ng COVID-19

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Siguradong ilang bilyon na ang gastos ng Japan sa kanilang preparasyon para sa 2020 Olympics na maaaring maunsyami kung patuloy na kumalat ang novel coronavirus.

Sa ngayon ay “green and go” pa rin deklaras-yon ng Tokyo Games organizers kahit na marami-rami na rin ang nadapuan ng virus sa Japan.

Pero walang kasiguruhan dahil hanggang ngayon ay patuloy ang laban kontra sa health menace.

Tinamaan na ang programa ng preparasyon ng ilan nating pambato gaya ng  mga Filipino boxers at weightlifter Hidilyn Diaz. Sana lang ay hindi masira ang kanilang momentum at tamaan pa rin nila ang peak form sa panahon na nasa laban na sila sa Olympics.

Ang mga domestic games ay apektado. Nariyan ang PBA, D-League, UAAP, NCAA, Para Games, Youth Games at marami pa na nagkansela o nagbago ng schedule sa kanilang precautionary measure laban sa coronavirus.

Matuloy man ang mga ito, siguradong ilalaro ito sa harap ng kakaunting manonood dahil sa health scare.

***

Ilang linggo na lamang ay magsisimula na ang PBA Season 45 at mukhang hindi pa rin nahihilot ng Ginebra management si Greg Slaughter upang magbago sa desisyon na magpahinga na muna sa paglalaro.

Kung wala si June Mar Fajardo at Slaughter, magandang oportunidad ito para kina Poy Erram, Ian Sangalang at Raymond Almazan na itaas ang kanilang playing value.

Pero malamang na si Christian Standhardinger ang magiging barometer para sa mga big men.

Sa kanyang second season sa PBA, umarangkada siya bilang MVP contender matapos lumipat sa NorthPort mula San Miguel Beer at sungkitin ang Governors’ Cup Best Player of the Conference award.

Sirit ang laro ni Standhardinger matapos makawala sa poder ni coach Leo Austria.

vuukle comment

2020 OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with