^

PM Sports

9-races ngayon sa Carmona

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang karera kahapon kaya naghandog ng siyam na races ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.

May karagdagang P100,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa lahat ng races.

Bakbakan ang 10 kabayo sa Condition Race category 21 na ilalarga sa unang karera.

Paniguradong kalat ang bentahan at maganda ang dibidendong ibibigay sa bawat kombinasyon sa daily doubles, forecast at ibang pang klase ng tayaan dahil magkakaiba ang pang primera ng karera tipsters sa programa.

Kursunada ng mga KTs ang mga kabayong Quick Little Miss, Double Rock at Isa Pa Isa Pa sa event na may distansyang 1,400 meter race.

Mga class A riders ang nakatoka kina Quick Little Miss, Double Rock at Isa Pa Isa Pa, ito’y sina John Alvin Guce, Christian Garganta at CS Pare ayon sa pagkakasunod.

Ang ibang kalahok ay sina The Patriot, Cannon Ball, Kingwash Striker, Simply Believe, Captain Of The Sea, Galing Sa Mabait at Strong Leader.

Ang mga papremyo ay nagmula sa PHILRACOM.

Samantala, may pitong kabayo naman ang magtatagisan ng bilis sa race 2.

Markado sa Condition Race ca­tegory 17 sina Hiroshima at Kingdom.

Makakalaban nina Hiroshima at Kingdom sina Huckleberry, Rockaway Palma Del Mallorca at magkakamping Miss Marshall at Trust Worthy.

vuukle comment

PHILIPPINE RACING COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with