^

PM Sports

Kahit walang coach, Iloilo nanalo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakakuha ang Iloilo ng inspirasyon mula kay head coach Eric Gonzales na napatalsik sa laro upang itala ang 88-85 panalo laban sa powerhouse Manila.

Na-eject sa game si Gonzales dahil sa pagpasok sa court at nagkaroon ng contact sa kalabang player na ginawang inspirasyon ng United Royals tungo sa kanilang ikapitong panalo sa 11 laro.

Nagtala ng 19 points, kabilang ang crucial baskets si Samboy de Leon habang si Aaron Jeruta ay may double-double na 16 points at 10 rebounds nang kanilang iangat ang United Royals sa pakikipagtabla sa fifth hanggang sixth places sa Basilan Steel sa southern division ng ligang itinayo ni Senator Manny Pacquiao kasama si PBA legend at dating MVP na si Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Nagsipagpanalo rin ang Batangas City at Biñan City para umangat sa 31-team cast.

 Sinamantala naman ng Tanduay-backed Athletics ang kawalan ng coach ng Zamboanga-Family’s Brand Sardines para sa 77-67 win na kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sumandal naman ang Biñan City sa magkapatid na Allan at James Mangahas para ungusan ang Valenzuela, 89-84.

vuukle comment

ERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with