^

PM Sports

Foton Tornadoes gumanda ang katayuan

Pang-masa
Foton Tornadoes gumanda ang katayuan

MANILA, Philippines — Nakabawi ang Foton Tornadoes Blue Energy at winalis ang Marinerang Pilipina Lady Skippers, 25-15, 29-27, 25-14 sa huling araw ng eliminations ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Malolos Sports Convention & Center.

Bumandera para sa Foton si Dindin Santiago-Manabat na pumalo ng 16 puntos, mula sa 14 attacks at dalawang aces, habang sumahog din ng 16 puntos si Jaja Santiago.

Umayuda rin sa opensa ng tropa sina Mina Aganon at Elaine Kasilag na may siyam at walong puntos, ayon sa pagkakasunod.

“Nakapag-adjust kami sa service receive namin kasi ‘yun lang ‘yung kulang samin. Malakas kami sa attacks, nagagamot namin ‘yung blockings namin and defense namin sa ilalim,” sabi ni Santiago-Manabat. “So service-receive and si-yempre hanggang ngayon paulit-ulit naming gagawin kasi ‘yun ‘yung key talaga ng bawat teams.”

First set palang ay paramdam agad ang Tornadoes at pinoste ang 23-14 na bentahe bago nag-iba ang ikot sa second set kung saan nakuha ng Lady Skippers 15-11 na kalamangan bago iposte ng Foton ang 6-0 run para lumamang, 17-15.

Nanggulat din ang Marinerang Pilipina nang hatawin nito ang 5-0 run (25-24) pero hindi bumitaw ang Tornadoes na nakaalpas pa rin at kinontrol ang third set at hindi na pinasagot ang naghihikahos ng Lady Skippers.

Nagrehistro naman ng siyam na puntos si Dimdim Pacres para sa Marinerang Pilipina na sadsad sa 0-14 na baraha na pagtatapos ng eliminations.

Hindi pa sigurado kung sino ang makakaharap ng Foton sa quarterfinals dahil kasalukuyang naglalaro pa Cignal HD Spikers at F2 Logistics as of press time. Kung manalo ang Cignal ay sigurado na ang third spot at kung matalo naman ay madadagit ito ng Foton.

Samantala, sigurado naman na makakaharap ng Marinerang Pilipina (0-14) sa knockout quarterfinals ang number one seed na Petron Blaze Spikers (13-1). Fergus E. Josue, Jr.

 

vuukle comment

FOTON TORNADOES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with