^

PM Sports

Kinapos si De Luna

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigong umusad sa finals si Jeffrey De Luna matapos yumuko kay Joshua Filler ng Germany, 8-11, sa semifinals ng 43rd US Open 9-Ball Championship na ginanap sa Mandalay Bay Resort and Casino Convention Center sa Las Vegas, Nevada.

Nagawa pang makalamang ni De Luna sa unang bahagi ng laban kung saan nagtala ito ng 3-1 bentahe kasunod ang 5-2 abante.

Subalit nakabalik sa porma si Filler nang iselyo nito ang 6-2 run para maagaw ang kalamangan sa 8-7.

Mula dito ay hindi na lumingon pa si Filler para makuha ang matamis na panalo.

“Hindi ko man nakuha ngayon yung title dahil hindi talaga para sa akin. Pero siguro sa susunod makukuha rin kita (US Open),” ani De Luna.

Namayani sa hiwalay na semis game si Wu Jiaqing ng China na naglista ng 11-5 panalo kay Chang Yu-Lung ng Chinese-Taipei.

Sa finals, itinarak ni Filler ang 13-10 panalo laban kay Wu para angkinin ang tumataginting na $50,000 papremyo.

Nagkasya naman sa $25,000 runner-up purse si Wu.

vuukle comment

DE LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with