^

PM Sports

Parker babalik na sa San Antonio

Pang-masa
Parker babalik na sa San Antonio
Tony Parker

SAN ANTONIO - Plano ng Spurs na ibalik sa line-up si veteran point guard Tony Parker para sa ika-18 season.

Ayon sa isang report, tinitingnan ng mga kinatawan ng Spurs ang halaga ng 36-anyos na playmaker sa free agency, habang hangad naman ng San Antonio na mapanatili ang French star sa isang mentorship role.

Nagtala si Parker ng mga average career lows sa points (7.7), assists (3.5) at minutes (19.5) sa 55 games ng Spurs sa nakaraang season.

Hindi siya nakita sa unang 19 games ng season dahil sa pagrekober mula sa ruptured left quad na nalasap niya at nagkaroon ng sprained right ankle injury noong Enero kasunod ang sore back sa sumunod na buwan.

Ang mga injuries ang naging dahilan ng pag-upo ni Parker sa 14 games sa anim sa huli niyang pitong seasons.

Si Parker ang sinasabing isa sa mga dahilan ng tensyon ng Spurs at ni Kawhi Leonard nang sabihin niyang ang kanyang quad injury ay “100 times worse” na nangyari sa All-Star forward.

Hinirang bilang No. 28 overall ng San Antonio noong 2001, naging bahagi si Parker ng apat na title-winning teams ng Spurs kung saan siya nanalo ng  NBA Finals MVP noong 2007.

Pumangalawa siya sa team history sa likod ni Tim Duncan sa games played (1,198), ikaapat sa points (18,943) at nangu-nguna sa assists (6,829).

vuukle comment

TONY PARKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with