^

PM Sports

De Luna kampeon sa Florida

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naibulsa ni Jeffrey De Luna ang kaniyang unang korona sa taong ito matapos pagharian ang 2018 Sunshine State Pro Am 9-Ball Tour na ginanap sa Boulevard Billiards sa Ocala, Florida.

Naiselyo ni De Luna ang 9-5 desisyon laban kay Ronnie Alcano sa all-Filipino championship showdown sa torneong nilahukan ng 30 iba pang American cue masters.

Subalit hindi naging madali ang pinagdaanan ni De Luna bago makuha ang korona.

Naitala ni De Luna ang 7-3 panalo kay Trenton White sa quarterfinals ngunit lumasap ito ng kabiguan kay Alcano sa unang semifinals sa iskor na 5-7 dahilan para mahulog ito sa losers’ bracket.

Nakuha ni Alcano ang unang silya sa finals.

Sa kabilang banda, kumayod ng husto si De Luna sa losers’ column kung saan nagtala ito ng sunud-sunod na panalo kabilang ang 5-1 pananaig kay Les Duffy sa ikalawang semis game para muling makaharap si Alcano sa finals.

Bitbit ang determinasyon at ang pagkakataong makaresbak, inilabas ni De Luna ang lahat ng alas nito upang pigilan ang matikas na kamada ng da-ting World 9-Ball cham-pion na si Alcano at tulu-yang makuha ang panalo.

Magandang panimula ito para kay De Luna matapos mabigo sa World Cup of Pool (fifth place), Derby City Classic One-Pocket Division (fifth place) at 4th Texas 10-Ball Championship (ninth place).

 

vuukle comment

DE LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with